Kabanata 23

1900 Words

Pagkalapat na pagkalapat ng pinto ni Rage ay agad na lumapit siya sa kama at pinagsusuntok niya iyon. Doon niya ibinuhos ang kanyang galit at ang kanyang selos. Galit na galit siya na para bang sasabog siya ng husto dahil nakita niya ang kanyang Ninang na kasama ni Leon. Parang tuwang-tuwa ang kanyang Ninang habang magkasabay na naglalakad ito at ang lalaki. Mukhang galing sa labas hindi niya alam kung bumili ng alak o kinuha lamang sa kotse hawak-hawak ng leon na iyon ng alak at mukhang may balak pang mag-inuman ang tatlo. Sa sobrang galit niya ay kinuha niya ang unan at pinaghahampas iyon gusto niyang magwala gusto niyang hamunin ng suntukan ang walang hiyang Leon na iyon. Paano ba naman mukhang tuluyan na ngang mawawala ang kanyang ninang sa kanya dahil sa ginagawa ng lalaki.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD