"Hi, okey ka lang ba? Sigurado ka bang walang masakit sa katawan mo? Ano kaya kong pumunta tayo sa ospital para ma-check up ka?" tanong ng kanyang ninang sa kanya agkalapit nito. Tsaka muling tiningnan nito ang kanyang mukha, ulo at maging sa katawan pero wala naman siya sugat o galos man lang. Iyon nga lang medyo ramdam niya yung sipa nung isang kasamahan ni Kevin pero kaya naman. Kaya kahit hindi na magpunta sa ospital medyo masakit din yung kanyang kanang braso pero kaya naman tsaka minabuti niya na huwag na lamang sabihin sa kanyang ninang para hindi na ito mag-alala pa. "Hindi na po Ninang wala naman akong nararamdaman na kung ano, mabuti pa po ay bumalik ka na sa opisina. Hindi niyo pa naman uwian diba? Ako maaga din po akong uuwi kasi wala yung dalawang teacher namin. Pagkatapos