“Mawalang galang na po Miss ano, hindi naman sa kinukwestyon ko ang kung ano mang relasyon meron kayo ng estudyante naming si Rage. Pero Miss, hindi ba at Ninang ka niya? Ang Ninang ay tumatayong pangalawang ina ng kanyang inaanak hindi ba? Kaya bakit yata higit pa doon ang relasyong meron kayo ng iyong inaanak?” Wika sa kanya ng principal pagkalabas na pagkalabas ng mga estudyante. Alam naman niyang concern lamang ito sa kanilang dalawa ni Rage, lalo na sa kanyang inaanak pero parang sobra naman yata na makialam pa ito. Kaya lang siguro pinapangalagaan lang din nito ang reputasyon ng eskwelahan dahil sa isip nga ng mga ito ay imoral kung ano ang mayroon silang dalawa ni Rage. Pero hindi pa rin niya nagustuhan ang paraan ng pagsasalita nito sabagay magalang naman ito. Siguro talaga nasa