Habang naglalakad sila patungo sa principal's office ay pinagtitinginan siya ng karamihan talagang napapatigil pa ang mga ito sa ginagawa para lamang pagmasdan na siya. Napapaawang pa ang lagi ng mga kabataan habang matamang nakatitig sa kanya. Panay na lamang ang ngiti niya sa mga ito dahil naiilang talaga siya. “Malayo pa ba ang principal's office mga beh?” Tanong niya sa kanyang mga kasama. “Nandoon pa po iyon ate sa unahang building. Bakit po napapagod na po ba kayo ha? Aahh naka-heels nga pala kayo no? Okay lang po ba kayo Ate ganda?” Tanong ng isang binatilyo. “Okay lang naman ako, nakapunta na rin naman ako dito one time pero hindi ko kasi matandaan kung saan yung principal's office kaya nagtanong din ako sa inyo salamat ha.” nakangiting sagot niya sa lalaki. “Naku wala pong