DAVIN & MIRAH THE SECRET AFFAIR TEASER; MADILIM ang gabi, malakas ang ulan at madulas ang daan. Ngunit hindi ko iyon alintana at patuloy lamang ako sa aking pagtakbo. Hindi mawala sa aking isipan ang usapan ng aking mga magulang ko. “Huwag mong hahayaang makalabas ng mansyon si Mirah, bukas na ang dating ni Deo at ayaw kong mapahiya. Kaya bantayan mong mabuti ang anak mo!” narinig ko ang malakas na boses ng aking mama. “Bakit ba pinipilit mong ipakasal ang anak natin sa lalaking yon?” “Napag-usapan na natin ang tungkol doon, kaya hindi ka na dapat nagtatanong!” hinintay kong sumagot si Papa upang tutulan ang nais ni Mama, ngunit hindi na ito muling nagsalita. Ilang minuto ang pinalipas ko bago lumapit sa bintana. Nang biglang makarinig ako ng mahinang katok. Patingkayad na lumapit