DAVIN FIVE years later. Walang pagbabago sa buhay ko easy go lucky pa rin hanggang ngayon. At alam kong naiinis na sa akin si Kuya Dean. Lalo na ngayon na may conference ako pero heto at kagigising ko lang. Sapo ang aking ulo na bumangon mula sa malaking kama. Na sulyapan ko pa ang dalawang babaeng naka ulayaw ko sa buong magdamag. Ayon at hanggang ngayon ay masarap pa rin ang tulog. Hahakbang na sana ako patungo sa banyo ng tumunog ang aking cellphone. Hindi ko sana yon sasagutin ngunit pangalan ng kapatid ang nasa screen. Kaya napilitan damputin at kausapin ito. “Kuya Dean, magandang umaga…” ngunit agad kong nailayo sa aking tainga ang hawak kong cellphone dahil sa lakas ng boses nito. “Alam mo bang kanina pa naghihintay ang mga investors? Nasaan ka at anong oras na ay wala ka pa