DAVIN UNANG pagkikita pa lamang namin ng babaeng yon ay nasampal agad ako. Ang pinagtataka ko ay parang familiar sa akin ang kanyang presensya. Parang nagkita na kami noon hindi ko lang talaga maalala kung kailan at saan. Dumagdag pa ang anak nito na kakaibang tumingin. Akala mo ay matanda kung manalita at magtanong sa akin. “Pareng Davin, mukhang dumating na ang katapat mo?” pambubuska sa akin ni Pareng Eagle. “Naikwento ko lang ang nangyari sasabihin mong katapat ko na agad? Hindi ko nga siya type, huh!” sabay talikod ko kay Pareng Eagle. “Ano ba ang itsura at parang ngayon lang nangyari na hindi mo type ang isang babae. Dati naman basta naka palda ay hindi ligtas sa mga kamay mo.” wika pa nito kaya natawa na lamang ako. “Tado! Halika na at baka nainip na ang tropa. Isa pa ay hi