MIRAH HINDI ko maipaliwanag ang takot ko ng makitang nasa swimming pool na si Mickey. Kaya ang mga pagkain na dala ko ay nabitawan ko at agad na tumakbo palapit sa aking anak. Hindi ko inaasahan ay si Mr. Montemayor pa ang sumagip kay Mickey. Ang hindi ko na paghandaan ay ang maanghang na salitang aking maririnig mula sa bibig ng lalaki. Gusto kong sabihin sa lalaking ito na hindi ako ganun klaseng ina. Ngunit aking pinigilan ang sarili upang hindi na humaba pa ang usapan. “Moma, sorry po kung nag-alala ka sa akin.” paulit-ulit na sinasabi ni Mickey sa akin. Kahit ilang beses ko na sinasabi dito na hindi nito kasalanan ang nangyari. “Wala bang masakit sayo anak, gusto mo ba dalhin kita sa ospital?” “Nakainom lang po ako ng tubig, mabuti at sinagip ako ni Davin.” napalingon ako sa aki