MIRAH and DAVIN WEDDING DAY…. Naririto lang ako sa aking silid ay nakaupo, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan na makakamit namin ang katiwasayan ng buhay. Naging mapayapa ang aming pagsasama at malayang nakakapamuhay. Kaya ng pasimulan ang preparasyon ng muling pagpapakasal namin ay sobra ang kasiyahan pumuno sa aking dibdib. Lalo pa at double wedding pala ang magaganap na kasalan. “Mommy bilisan muna po dahil kanina pa naghihintay si Daddy sayo.” saka pa lamang ako bumalik sa realidad at ng lumingon ako sa aking anak ay nakasimangot na ang bunso naming si David. Napangiti na lamang ako sa aking anak na may pagka bossy. “Anak halika nga dito ang cute-cute mo talaga.” saka ko pinisil ang maliit niyang ilong na lalo pang kinasimangot nito. Aray!” pasigaw nitong reklamo s