PLAN- B

2104 Words

MIRAH ISANG buwan na ang nakalipas magmula ng makabalik ako sa aking pamilya. Stable na rin ang aking anak na pinangalanang David Neil Montemayor. Ganun pa man ay nananatili sa aking isipan ang masamang pangyayari sa buhay namin ni Baby David. Sa tuwina kapag nagulat ako ay bumabalik ang mga nangyari. Kaya pansamantala ay lumipat kami sa bahay nila Daddy Xander. Mas panatag daw si Davin kapag naroon kami. Saktong tatlong buwan na ang aming anak na si Baby David Neil ng kausapin ako ni Davin. “Baby, sumama ka sa akin.” “Saan tayo pupunta, Davin?” “May mahalaga tayong pupuntahan at hindi natin pwede isama ang mga bata. Huwag kang mag-alala at hindi naman tayo magtatagal doon.” “Pero ayaw kong iwan ang mga bata.” “I know at nauunawaan ko yon baby, pero mahalaga ang ating pupuntahan.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD