SAVI HINDI niya alam kung alimpungatan siya o totoo ang kanyang nakikita. Si Dean Xian nakatayo sa gilid ng bintana habang nakatingin sa kanya. Napatakip agad ng bibig nang maalala na baka may panis na laway pa siya. Dinampot din ang unan at itinakip sa kanyang ulo. Pagkatapos ay nakikiramdam sa paligid ngunit parang walang ibang kumikilos. “Savi, we need to talk.” sa narinig ay bahagya siyang sumilip sa gilid ng unan. At talagang si Dean Xian nga ang lalaking yon. Pero paano ito nakapasok sa kanyang silid? "Savi Salvador, hindi mo ba ako naririnig?” “Ha? Oh! A-Ang ibig kong sabihin ay anong sasabihin mo? Saka bakit naririto ka sinong nagpapasok sa iyo dito? At paano mo nalaman na naririto ako sa Pilipinas?” sunod sunod na tanong niya dito. “Kaibigan at kababata ko si Er ll, ang lalak