DEAN HINDI ko muna ginising si Savi, hinayaan ko siyang makatulog. Kahit na lumapag ang chopper na sinakyan namin ay nananatili pa rin tulog. Marahil sa sobrang takot kanina kaya ganun. Maingat niyang binuhat ang dalaga at inakyan sa ikatlong palapag ng mansion. “Dean Xian, anong nangyari sa asawa mo?” pagtataka ang makikita sa mukha ng kanyang ama. Marahil hindi nito inaasahan ang pagdating nila. Isa pa alam din niya na gusto nitong magtanong kung bakit ngayon ay dinala na niya sa mansyon ang inaakala nito na asawa niya. Ipinasok niya ito sa loob ng kanyang kwarto at inalisan ng sapin sa paa. Pagkatapos ay kinumutan at saka iniwan. Paglabas niya ay nakatayo sa gilid ng pintuan ang ama. “Dad, she’s not my wife.” “Anong ibig mong sabihin na hindi siya ang asawa mo?” “Kakambal siya n