SHEILA JANE KANINA nang magising akong wala na sa tabi ko si Darwin ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Lalo na ng maalala ko ang ginawa niya sa akin kagabi. Ang hindi ko maunawaan bakit sobra ang galit niya sa akin at ako raw ang dahilan kong bakit hindi natuloy ang kasal niya sa babaeng mahal nito. Muli akong nakaramdam ng kirot sa dibdib na hindi naman dapat. Kaya sinikap kong balewalain ang mga nangyari. Akmang babangon ako ng maramaman ko ang kirot sa aking buong katawan. Lalo na ang gitnang bahagi ng aking katawan. Ganun pa man ay wala akong nararamdaman pagsisisi kahit nawala ang pinakamahalagang parte sa buhay ko. Tama lang siguro yon ang naging kabayaran dahil sa ginawa ko kay Darwin. Tinawagan ko sa intercome ang isa sa mga kasambahay na kasama namin dumating sa lugar na