MICKEY DARWIN SINUBUKAN kong iwasan si Princess, dahil hindi ko na gusto ang nangyayari sa akin. Masyado na yata akong napapalapit sa kanya kaya nakakaramdam ako ng ganito. At hindi yon tama,ang dapat kung isipin ay makaalis sa puder nito. Dahil hanggang ngayon ay puzzle pa rin sa isipan ko kung bakit hindi sumipot si Michelle sa aming kasal. Ang problema ay ang sinabi ni Attorney, ngayong araw daw na ito ang release ang passport ko. At sigurado bukas o mamayang gabi ay lumipad kami patungong ibang bansa. At ang sabi ni Princess ay isang buwan kaming mag-stay sa aming pupuntahan. “Sir Darwin, nasa linya po si Attorney, kakausapin ka raw niya.” inabot ko sa isang kasambahay ang cordless at nakipag-usap dito. At kagaya ng aking nasa isipan kanina, mamayang gabi na raw ang lipad namin. At