JASMINE MALAKAS ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatayo sa harapan niya si DL. Ang makapal na kilay nito ay salubong at ang magkabilang kamay ay kuyom. Parang anumang oras ay maaaring manakit. Kaya naman ay hindi mas lalo pa niyang iniharang ang katawan sa kapatid. “A-Ate Jasmine, bakit tayo huminto at sino ang lalaking kaharap mo?” sa narinig ay napapikit siya at kulang na lang ay humarap sa kapatid at sabihin na huwag na itong magsalita. Ngunit narinig niya ang boses ni DL. “Magaling na ba ang kapatid mo, hipag?” napatatingala siya sa mukha nito dahil sa narinig. At nang sulyapan ang mga kamay nito ay nakasilid na iyon sa bulsa. Ang kaninang salubong na kilay ngayon ay hindi na. “Ahm… medyo okay na siya kanina lang siya nagising at ang sabi ng mga doktor ay stable na raw naman ang