JASMINE TATLONG araw na ang nakalipas magmula ng idating sa Gonzalgo Private Hospital ang tatlong lalaking mahalaga sa buhay niya. Si Er, ang lalaking walang ginawa kundi tulungan at protektahan silang mag-ina. Si Xander, ang lalaking kaisa-isang minamahal at ama ng kanyang anak. Ang kapatid na si Jin Noh, na kailan lamang niya nalaman na buhay ito. Halos dalawang linggo na nakaratay sa ospital ang mga ito sa bansang Europa. At kundi dahil sa mga Montemayor doctors ay hindi maiuuwi agad ng bansa ang mga ito. Sa pagkakaalam din niya ay Montemayor’s Jumbo private plane ang sinakyan pauwi ng bansang Pilipinas. “Jasmine, Hija, magpakatatag ka at huwag magpatalo sa iyong emosyon. Hindi pababayaan ng Diyos ang mga taong mahalaga sa buhay natin.” Wika ni Tita Cassy, ang mommy ni Xander. Bilan