DAVIN HINDI ko inaasahan ang aking madadatnan sa lugar na pansamantalang tirahan ko. “Jew, anong ibig sabihin nito bakit naririto silang lahat?” “Ngayon mo lang ba makakausap si Lolo Josh?” “Oo, lagi ko lang siyang nakikita kapag kasama ni Lolo Delta pero yung kakausain niya ako ay unang beses na mangyayari. Bakit pala sila naririto ganun din si Lolo Kenn, Lolo Triplets, Lolo Xion, Lola Maggie, Lola Desiree, Lola Dra. Pauline, Lola Ma.YL at mga Elders CIA?” “Gusto mo legal ang gagawin mong pagtiwalag sa organisasyon ‘di ba?” “Oo, pero anong koneksyon nila bakit halos mga elders ay naririto at mga pinsan nating fighters?” “Malalaman mo mamaya, kaya halika na.” hindi ko alam kong ano itong aking nararamdaman pero kinakabahan ako.” mula ng magkaisip ako ay ngayon lang ito nangyari sa a