MIRAH AWA ng Diyos ay naging maayos naman ang pang-araw-araw naming buhay. Nagtulong tulong ang mga kamag-anak namin ni Davin upang manatiling ligtas kami sa mga taong gustong gumawa ng masama. Ngayon ay pitong buwan na ang aking tiyan at kanina pa ako hindi mapalagay. Nakakaramdam ako ng pagsakit sa akin tiyan. Pero ilang minuto lang at mawawala rin naman agad. Pagkatapos ay uulit na naman at hindi ako komportable. Alam ko kanina pa ako pinagmamasdan ni Mickey, pero hindi ito nagsasalita. Siguro naghihintay lang ng utos ko. “Mickey, anak paki tawagin mo ang iyong daddy at mas madalas ngayon ang pagsakit ng tiyan ko.” “Sige po, Moma pero huwag kang tayo at baka matumba kayo ni Baby.” “Oo, anak dito lang ako sa upuan.” agad na tumakbo ang aking anak palabas ng pintuan. Panay ang akin