DAVIN HINDI ako mapalagay sa biglang pag litaw ni Ryzah, sa aming harapan ni Mirah. At hindi maganda ang aking pakiramdam sa babaeng ito. Sa kilos, pananalita at tingin nito sa akin ay may binabalak na hindi maganda. Kailangan kung kumilos bago pa ako maunahan ng babaeng yon. Hindi ko papayagan malagay sa alanganin ang aking mag-iina. “Alam mo huwag mong masyadong isipin ang babaeng yon. At kung sakaling gagawa ng hindi maganda ay malalaman din naman agad natin.” “Ang inaalala ko ay ang mag-ina ko. Kilala mo naman ang babaeng yon, bigla na lang lumilitaw kapag may gustong gawin. At alam kong target nila ay si Mirah at ang baby sa kanyang tiyan.” “Ipaubaya mo siya sa akin, pinsan. Anong gusto mong gawin ko sa kanya?” “Ayan ka naman, Kuya Jew, katatapos lang ang problema mo ay parang n