JASMINE MASAYA siya na ang dahilan ng pagpunta nila sa Hawaii ay ang pagkakasundo ng dalawang taong mahalaga sa kanya. Ang buong akala niya ay hindi na magagawang magpakumbaba ni Xander para sa kaibigan. Nang mag-landed sila sa Hawaii ay hindi agad sila tumuloy sa bahay bakasyunan ni Er. Doon sila tumuloy sa Private resort ng pinsan ni Xander na si Kyla. Pagkatapos ay agad na nagpaalam si Xander, DL, DA at mga pinsan ng mga ito. May mga kasama rin silang mga bodyguard. At alam na niya kung bakit dahil sa sinabi ni Xander sa kanya kanina habang nasa himpapawid sila. Nasa panganib daw si Er kaya ang mga ito na lamang muna ang mauuna sa bahay bakasyunan ni Er. “Jasmine, huwag mong masyadong isipin ang si Xander. Kahit hindi niya sinabi sa aming mag-asawa ay alam kong naka plano ang gagawi