DX KATATAPOS lang ng engagement party nila ni Jasmine. Ang mga bisitang naiwan ay kanyang mga pinsan at ang karamihan sa mga kaibigan nakauwi na. Ngayo'y naririto sila sa poolside. At kagaya ng nakasanayan puro kantyawan ang naririnig sa paligid. Syempre hindi mawawala ang mga inuming nakakalasing. “Sa wakas ikakasal ka na rin Kuya DX, ang buong akala namin ay tatandang binata ka.” wika ng nakangiting si Snow, anak ni Tita Samantha ang bunsong kapatid nila daddy. “Siguro kung tuluyan inagaw ng kaibigan ko si Jasmine baka nga magkatotoo ang akala mo, Snow.” “Hanggang ngayon hindi pa ba kayo nagkaayos ni Kuya Er?” “Wala ng chance, Snow dahil ang nasirang tiwala kailanman ay hindi na muling maibabalik pa. So, wala na rin halaga ang pagkakaibigan naming dalawa.” “Nakakapanghinayang lang