DEAN GABI ng makabalik siya sa building na kinaroroonan ni Savi. Galing sila sa laot at ilang oras nag-diving. Pagkatapos ay nagyaya ang mga kaibigan sa floating cottage upang uminom. At ngayon ay naririto siya sa tapat ng pintuan. Medyo tepsy na siya at hindi dapat humarap sa dalaga ng ganito ang ayos niya. Kaya bumalik sa baba at tinawag ang kanyang mga bodyguard. “Boss, anong ipag uutos mo?” “Kumuha kayong dalawa ng pagkain at dalhin sa silid ni Savi. Malamang na gutom na ang babaeng yon. At kayong dalawa ay puntahan si Pareng Thunder. Sabhin nyo na hindi ako makakabalik sa bar dahil lasing na ako at gusto kong matulog. Pagkatapos ay puntahan nyo ako sa silid na katabi ng okupado nyo.” “Copy boss.” at naglakad na siya paakyat sa bagong okupado na silid. Dumiretso na agad sa loob