SAVI HINDI niya akalain na makikita sa isla na yon si Dean. At halos panginigan siya ng mga tuhod nang marinig ang malakas nitong sigaw. Halos kaladkarin siya nito papasok sa isang building. Ang nakapagtataka ay paano kaya nito nalaman na naririto siya sa lugar na ito? “N-Nasasaktan ako, Dean.” daing niya habang pilit na kumakawala sa mahigpit nitong kapit sa kanyang bisig. “Shut up! Puro problema ang ibinigay mo sa akin! Talagang nagpunta ka pa sa ganitong lugar. Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo ha?” “A-Anong ba ang sinasabi mo hindi kita maintindihan.” “Follow me at mag uusap tayo!” hindi na lang siya sumagot at hinayaan na lang niya na hilahin siya nito. Sa laking tao ng binata ay hindi siya makasabay dito kaya halos makaladkad siya sa bilis ng lakad nito. Kahit nasasakta