SHEILA JANE TWO years ago. Late na ako nakauwi mula sa puntod ng aking ama. Nadatnan ko ang ilang kasambahay sa labas ng mansion. Ganun din ang ibang panggabing gwardiya. Nakaramdam ako ng galit sa bagay na nakikita ng aking mga mata. “Anong ibig sabihin nito bakit nasa labas ang aking mga damit?” “Bakit hindi pa ba malinaw diyan sa isipan mo hindi ka na welcome sa mansyon? Ngayong nasa ilalim na ng lupa ang iyong ama ay walang dahilan upang manatili ka dito, brat!” “Hindi totoo yan, sa aking ama ang mansyon na ito at hindi sa inyo!” inis kong tutol sa sinabing yon ng aking madrasta. “Oh! Talaga ba? Baka nakalimutan mo na legal akong asawa ng iyong ama kaya lahat ng karapatan ay meron ako. Alis! Kundi ay ipapakaladkad kita sa mga gwardiya, halika na sweety.” “Okay, mommy, bye brat!