SHEILA JANE UNANG araw ko sa Main Office SJLM Real Estate Company. Ipinakilala ako ni Attorney sa lahat ng naroroon. Nanliliit ang aking pakiramdam habang isa-isa silang nakatingin sa akin. Iba’t-iba ang kanilang reaksyon, meron nakangiti, nakasimangot, nakataas ang kilay at seryoso. “Hija, tumayo ka at magpakilala sa kanilang lahat.” utos sa akin ni Attorney, at kahit ayaw ko ay napipilitan akong sumunod dito. Habang nagsasalita ako ay nanginginig ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko anumang oras ay babagsak ako sa carpet. “Princess, relax lang at wag kang mag paapekto sa kanilang lahat. Ipakita mo na ikaw ang may-ari ng mga kompanyang iniwan ng iyong lolo at lola. Sila ay mga tauhan mo lamang na binabayaran kaya hindi ka dapat magyuko sa kanilang lahat.” hindi ako sumagot pero mabi