DAVIN UMIGTING ang aking panga sa galit at ng mga oras na yon ay para akong sinaniban ng kakaibang pwersa. Binitawan ko ang kamay ni Mirah at humakbang ako pabalik sa kinaroroonan ni West Mafia Queen. Ngunit agad na humarang ang mga tauhan nito. “Tama na ang pagpapahirap mo sa aking asawa. Tumigil ka na, Madam, dahil kahit ano pa ang gawin mo hindi mo siya makukuha sa akin ganun din ang aming anak.” “Ows! Huwag mo akong patawanin, Mr. Montemayor hindi ikaw ang taong makakapigil sa akin. Isang pitik lang ng aking mga kamay ay mapupunta silang dalawa sa akin.” “Sigurado ka, Madam Mafia? O baka gusto mong ako mismo ang magturo sa mga Montalvan kung nasaan ang anak na itinatago mo? At kung ano talaga ang tunay mong pangalan na hindi talaga ikaw ang tunay na West Queen of Mafia. Nais mo