MIRAH MAGMULA ng ikinasal kami ni Davin ay maraming nagbago sa akin. Hindi ko alam kung normal sa isang babaeng may-asawa itong nangyayari akin kakaibang pakiramdam. Nakakahiyang aminin pero parang hinahanap hanap ng katawan ko na laging magpa angkin sa asawa ko. Sa tuwing nakikita ko siyang nakahubad o kalalabas ng banyo ay agad akong nakakaramdam ng pag-iinit. O baka dahil masyadong gwapo sa aking mga mata ang kabuuan nito. Napaka perpekto ng panlabas na anyo ni Davin. Matangkad, matipuno, moreno, may magandang mga mata, matangos ang ilong, normal ang pamumula ng labi at makapal na kilay. Sa isang salita ay mala-adonis na pangangarapin ng kahit sinong babae. “Nakatitig ka na naman sa akin, baby. May gusto ka bang sabihin sa akin pero hindi mo masabi dahil nahihiya ka?” para akong nasa