DAVIN KAHIT minsan hindi sumagi sa aking isipan na edad kong twenty seven ay makapag-asawa agad ako. Ang sabi ko noon sa aking sarili ikakasal lamang ako kapag umedad ng thirty five. Ngunit ngayon ay naririto ako sa unahan at naghihintay sa aking bride. Last week ng lumabas ang DNA test namin ni Mickey at napatunayan kong anak ko nga siya ay walang pagsidlan ng kaligayahan ang puso ko. “Pareng Davin, nariyan na ang bride mo at wow! Ang ganda parang isang angel na bumaba sa lupa.” napa tuwid ako ng tingin sa pinaka dulo ng red carpet at mabagal naglalakad si Mirah at ang lolo, lola nito. Habang palapit sa kinatatayuan ko ay palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib. Tama ang aking mga kaibigan, hindi lang ito basta maganda. Super ganda sa kabila ng malubha nitong sakit. At sa punton

