MIRAH ARAW ng kasal ko at makikita sa mukha ni Mickey ang kalungkutan. Alam kong ayaw niya sa aking magiging asawa ngunit wala naman akong magagawa. Ang dasal ko na lamang ay mabait sana ang lalaking pakakasalan ko at ariin tunay na anak si Mickey. Ilang beses akong huminga ng sunod sunod bago nagpasya ng humarap sa wedding organizer. Siguro kung ibang babae ang nakasuot ng ganito kagandang wedding gown baka walang hanggang ang kasiyahan. Ngunit para sa akin ay lungkot dahil dama ko ang paghihirap ng loob ng aking anak. “Ready ka na, Ms. Mirah?” tanong sa akin ng isa sa mga make up artist. Tumango na lamang ako at iginya na nila ako palabas ng pinto. Pagbukas ay nakatayo doon si Lolo Owen at Lola Raccine. May ngiti sa labi kaya sinikap kong ngitian ang mga ito. Dahil alam kong para sa a