MIRAH MAGMULA ng nalaman ko ang aking totoong sakit ay naging mahalaga sa akin ang bawat segundo na lumilipas. Kahit ang mga ipon ko sa banko ay pinalagay ko na sa pangalan ng aking anak. Kinuhanan ko na rin si Mickey ng educational plan. At ang bahay na binigay sa akin ni Lola Raccine ay inilipat ko na rin sa pangalan ni Mickey. Sinimulan ko na rin magtipid para sa aking sarili. Dahil hindi ko naman na kailangan ang kahit ano. Sapagkat ang lahat ng bagay ay akin din iiwan kapag dumating na ang oras ko. Mas inaalagaan ko na rin ang aking anak, at lahat ng oras ko ay akin ng inilalaan sa kanya. “Moma, bakit hindi ka pa po natutulog, ‘diba sabi ng doktor mo bawal sayo ang mag-puyat?” hindi ko inaasahan na gising pala ang anak ko. Kaya agad kong binitawan ang laptop at humiga sa kanyan