Third Person's POV Mabilis na inilabas ni Charles mula sa abandonadong gusali ang nag-aagaw-buhay na si April matapos itong mabaril sa braso at tiyan ni Jennifer. Mababakas sa mukha niya ang hindi mapangalanang takot. Nanginginig ang kanyang katawan at paulit-ulit niyang sinusulyapan ang duguang si April na kasalukuyang nang nakahiga sa back seat ng kanyang kotse. Halos paliparin na niya ang sasakyan sa gitna ng calsada at hindi niya mapigilan ang lumuha dahil sa nararamdaman niyang takot at pangamba para sa buhay ng kanyang mag-ina. Samantala, sa loob ng gusali ay patuloy ang pakikipaglaban at pagpapalitan ng putok ang dalawang grupo. Inutusan na ni Rijhen si Chloe at Rhyan na lumabas na at hayaan na lamang sila kasama ang kanyang grupo ang siyang gumapi sa grupo ni Jennifer. Kaagad