FOUR MONTHS LATER, 'Sana ay bigyan mo pa rin ng panahon na mabasa ito, Charles. Humihingi pa rin ako ng tawad sa lahat nang nagawa ko. Ang lahat nang sinabi ko sa iyo ay totoo. Nakipaglapit ako sa iyo para sa kapakanan namin ng mga kapatid ko. Ikaw lang ang natatanging paraan na naiisip ko noon imbes na tanggapin ang iniaalok sa akin ni tatay na makipagsiping sa mga matatandang mayaman. Pero ang lahat ng mga ipinakita ko sa iyo noon ay hindi pagpapanggap lang. Hindi ko alam ang salitang pag-ibig dahil ni minsan ay hindi ko pa naman iyan naramdaman o naranasan sa ibang tao. Pero noong pinili mo si Jennifer ay nasaktan ako ng sobra. Parang dinudurog ang puso ko lalo na sa tuwing naaalala ko ang lahat ng mga ipinangako mo sa akin. Hindi ko kaya, hindi ko kayang may ibang babae kang mam