"Iha, hintayin mo na si Charles. Parating na rin iyon. Nagbayad lang siya ng bill." Kanina pa ako sinusubukang pigilan ni mommy Rose pero buo na ang desisyon ko. Apat na araw din ang pinanatili ko dito sa hospital pero sa loob niyon ay hindi pa inuungkat sa akin ni Charles ang tungkol sa sinabi niyang pagkatapos kong manganak ay aalis na ako at iiwan ko sa kanya ang bata. Kahit na inalagaan niya naman ako dito sa hospital at binantayan ay hindi ko pa rin alam kung ano ang susunod niyang plano. Hindi iyon sapat na dahilan para masabing ayos na kaming dalawa. Kaya kaysa hintayin ko na ipagtabuyan niya akong muli ay ako na ang magkukusa. Nasabi na rin naman niya iyon noon pa. Siguro ay hindi na niya kailangang ulitin pa. Hinalikan ko sa noo ang aking anak habang buhat ko ito sa aking bras