"Charles, ahm...b-bakit dito?" nagtataka at alanganin kong tanong kay Charles nang pumasok ang kanyang sasakyan sa kanto ng bagong gawang kalsada na patungo sa aming lugar. Huwag niyang sabihin na ihahatid niya lang ako sa barong-barong namin at aalis din siya? Mag-asawa na kami at ang inaasahan ko ay doon niya kami dadalhing mag-ina sa room niya sa opisina niya na nasa palengke. "Why? Uuwi na tayo. Ayaw mo pa ba? It's late. Aren't you tired yet?" malambing niyang tanong sa akin kasabay nang paghila niya sa akin at isinandal sa kanyang dibdib. Si baby Aries naman ay nasa kaliwa niyang braso at siya ang may buhat. Naririto kami sa backseat at mayroon siyang driver na siyang nagmamaneho sa unahan. "U-uuwi tayo? D-doon ka ba matutulog sa bahay namin?" "Bahay natin. Ayaw mo ba?" "P-pero
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books