April's POV "The first time I saw her, she looks like an innocent woman. Inosenteng mukhang madaling samantalahin ng karamihan. The first time I saw her, she got my attention so easily." Nag-init ang aking pisngi nang magsimulang magsalita si Charles sa hawak niyang mikropono sa harapan ng napakaraming tao. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa plaza dito pa rin sa bayan na talaga nga namang pinaayos ng bonggang-bongga ng mga Delavega. Lahat ng tao sa lugar na ito ay imbitado, maging ang lahat na nagmula pa sa iba't ibang baranggay. As in, welcome ang lahat. Animo'y fiesta sa sobrang daming handa, sobrang daming pagkain at mga tao na lamang talaga ang mananawa. "Hindi naging dahilan ang panlabas niyang anyo noon upang hindi ako makaramdam ng kakaiba sa dibdib ko para sa kanya," sabi ni