Paglabas namin ni Chloe ng banyo, lahat sila ay nakaantabay sa labas at lahat ay kakikitaan ng pag-aalala bukod tangi kay Jennifer na nag-uumpisa nang kumain sa mesa. "Ayos ka lang ba, iha? Ipinalabas ko na 'yong mga pagkain. Siguradong dahil doon kaya ka nagduduwal at dahil din iyan sa pagbubuntis mo," tanong ng ginang sa akin habang sinasalat ang aking pisngi at noo. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "N-naku, n-nakakahiya po. A-ayos naman na po ako. Ipabalik niyo na po." Mas dumoble ang hiyang nararamdaman ko dahil naantala ang masaya at masagana sana nilang pagkain nang dahil lang sa akin. "That's okay. What if you just rest in your room and we'll just send you your breakfast there," nakangiting saad naman ng ginoo. "Ako na ang magdadala," walang emosyon namang saad ni Charles