Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala. She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap. Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat. "M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon