"Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina. Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall. Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel. Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang ka