Nang sumunod na araw ay tinanghali na ng gising si Fiona. Pasado alas-dies na ang binabadya ng oras sa cell phone niya nang silipin niya ang screen niyon. Pabalikwas pa siyang napabangon nang mapagtantong anong oras na siya nagising. Hindi niya pa maiwasang makadama ng hiya, lalong-lalo na kay Nanay Luz dahil sa bagay na iyon. She roamed her eyes around the room. Katulad ng unang gabing may nangyari sa kanila ni Randall ay nakatulog siyang yakap ng binata matapos ng mainit na tagpong pinagsaluhan nilang dalawa. Hindi na niya namalayan kung anong oras na ito lumabas mula sa silid na iyon. She swallowed hard. Hindi pa maiwasan ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi nang maalala niya ang ginawa nilang dalawa ni Randall kagabi. Hindi lang basta natapos doon ang p********k nila. Randal