CHAPTER 32

2019 Words

Agad na napatayo nang tuwid si Randall nang maramdaman niya ang paghawak ni Alice sa isa niyang braso. Naroon sa kanyang dibdib ang kagustuhan na alisin ang kamay nitong nakakapit sa kanya. Hindi niya lang nais na magmukhang walang modo lalo pa't kaharap din nila ang kanyang abuelo. Sumama nga siya sa kanyang Tatay Lando na dalawin ang lupang-sakahan na pag-aari ng pamilya nila. Matatagpuan din iyon sa Ihatub, lamang ay malayo na iyon sa kanilang bahay. Kung ang ikinabubuhay ng asawa ng kanyang Nanay Luz at ng kanyang ama noon ay ang pangingisda, si Tatay Lando naman ay mas abala sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop. Ang lupaing iyon ay pag-aari pa ng mga magulang nito. Mas si Tatay Lando na ang namahala roon. Iyon ay dahil sa magkakapatid na lalaki, ito ang napirmi sa Marinduque. M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD