Hindi alam ni Fiona kung paano siya nakauwi sa bahay nina Randall mula sa klinikang pinagtatrabahuan ni Alice. Pagkaalis ng sasakyan ni Randall ay wari pa siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan at hindi agad nakagalaw. Namalayan na lamang niyang basang-basa na ang kanyang mukha dahil sa pag-iyak. Mistulang wala sa sariling nilakad na lamang niya ang pauwi sa bahay nina Randall. Pagkauwi niya pa ay naroon na si Nanay Luz at abala na sa paghahanda ng kanilang hapunan. Labis pa itong nagtaka nang makita siya. Alam niya na hindi maitago ang lungkot sa kanyang mukha dahil sa nangyari. Nanay Luz asked worriedly. Hindi niya man gustong magsinungaling sa matandang babae ngunit idinahilan niya na lang na tungkol sa kanyang pamilya ang sanhi ng pagkakaganoon niya. Magalang din siyang nagpaalam di