Abala si Fiona sa pagtingin sa kanyang cell phone, hapon ng sumunod na araw. Nanatili siya sa bahay sa araw na iyon at halos wala sa mood para gumawa ng ano mang bagay. Matapos ng naging pag-uusap nila ni Alice kahapon ay nabalot ng maraming katanungan ang isipan niya. Ang dami na nga niyang isipin--- ang tungkol sa pamilya niya at ang banta sa buhay niya. Tapos heto ngayon ang tungkol sa kanilang dalawa ni Randall na naging mas komplikado pa dahil sa pagpagitna ni Alice. Kahapon pa siya gulong-gulo kung paniniwalaan niya ba ang mga sinabi ng doktora. Halos hindi niya pa kibuin si Randall dahil sa sakit na nadarama dulot ng mga natuklasan niya. She can't believe na magkasama ang mga ito nang isang gabi sa may baybayin. Gusto niya pa magtampo dahil sa kaalaman na nagkikita ang mga ito na