Nakikita ko sa sulok ng mata ko na panay ang sulyap ng lalaking nakaupo sa driver's seat habang nagmamaneho. Pareho lang kaming tahimik dito sa loob ng sasakyan. Pagkatapos niya akong talikuran kagabi, hindi ko na siya sinundan. Hindi ko na rin binalak na kausapin pa siya dahil doon sa mga naging paratang niya. Ni hindi ko alam kung saan siya natulog kagabi, pero alam ko na hindi sa tabi ko. Ngunit mas mabuti na 'yon dahil ayoko rin siyang makatabi. Bakit ba kasi niya nasabi ang mga 'yon sa akin? Bakit nagawa niya akong pag-isipan nang gano'n? Parang isa akong babae na nakuha lang niya sa kung saan. Iyong babaeng kapag hindi na kuntento sa ginagawa ng partner niya, hahanap siya ng ibabang lalaki na masa-satisfy iyong tawag ng laman niya. It's like we didn't grow up together. Even before