I was busy taking pictures of myself in front of the mirror. Hindi ko pa alam kung papaano ako magpo-pose para lang makakuha ng magandang angle. Nanghihingi ng picture ang asawa ko sa kung ano ang isusuot ko sa pagpunta ko sa Seventh Street. Akala siguro niya ay magsusuot ako ng showy na damit which is hindi naman. Wala naman sa plano ko 'yon ngayong gabi. Tight jeans at kulay pulang long sleeves lang ang suot ko. Magka-video chat kami kanina ngunit nagpaalam siya na magdi-dinner muna sila. Sinabi ko rin na mag-aayos na ako dahil baka bigla na lang dumating si Rion dito na siyang kasama kong pupunta sa Seventh ngayon. Nakakahiya kung hindi pa ako nakabihis. Si Rion lang kasi ang may plano sa mga pinsan ko na lumabas ngayon dahil nandoon rin daw ang mga workmates niya. At least, hindi ko