Chapter 58

1748 Words

Halos naririnig ko ang bawat usapan ng mga tao dito sa loob ng cafeteria. Rinig na rinig ang tawanan, asaran, at kulitan ng mga ibang empleyado. Pati itong mga kasama ko sa mesa ay wala ring hintong nag-uusap-usap. Pero kahit anong ingay ang pumapasok sa mga tenga ko, hindi ko pa rin mapigilan ang pagbagsak ng mga talukap ko. Nagmistula pang musika ang ingay dito na dinadagdagan ang antok sa buong sistema ko. Inalis ko sa pagkakahilig ang ulo ko sa pader saka pinilig. Katatapos lang kasi naming mag-lunch kaya tinatamaan ako ng lintik na antok ngayon. "Aisla, pwede ang plus one," Pupungay-pungay ang mga mata ko nang tingnan si Princess. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil inaantok talaga ako rito. At hindi ko alam kung anong plus one ang sinasabi nito at kung tungkol saa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD