"Did you get how to cook it, anak?" Ani Mommy. Ngumiti ako saka tumango. Pinapanood ko si Mommy at si Yaya dito sa kusina habang hinahanda ang kakainin namin para sa hapunan. Marami rin akong naging katanungan sa kanilang dalawa tungkol sa mga iba't ibang putahe ng ulam. Gusto ko na talagang career-in ang pagiging may bahay ni Qino Alaric Fontanilla. May mga alam naman na akong iluto dahil sa tulong na rin ng internet, ngunit marami pa rin akong gustong matutunan. At mas maganda kung personal ko talagang makikita kung paano iyon lulutuin, katulad ngayon na nagpaluto ng seafood paella with pork and chicken si Mommy. Medyo sosyalin talaga itong nanay namin ni Qino pagdating sa pagkain. Kaya rin gustong-gusto ng mga pinsan namin na nakikikain dito. At hindi naman maarte sa pagkain si Qino.