Pare-pareho kaming walang imik na nakikinig kay Ma'am Thelma dito sa office habang ipinapakilala ang bagong magiging head ng HR department. Wala ni isa sa amin ang nakaalam na nag-file na pala siya ng resignation letter niya last week kaya nagulat kaming lahat nang sabihin niya ngayon. At mabilis lang silang nakahanap ng kapalit niya, at heto na nga siya ngayon sa harapan naming lahat. "So, I hope you'll guide your new department head -- Mr. Avery Alcantara." Inilahad ni Ma'am Thelma ang kamay niya sa harapan ng lalaking katabi nito. Ngumiti naman sa aming lahat ang magiging kapalit niya. Ngunit kahit ngumiti ito ay hindi pa rin nawala ang pagiging seryoso ng mukha niya. Gwapo naman ito at mukhang professional talaga ang tindig. Matangkad rin siya at maputi, ngunit masungit ang dating.