"Aww! Kawawa ka naman," nang-aasar na wika ni Eloisa habang isinusukbit ang bag nito sa kanyang balikat. Nginiwian ko siya saka inirapan. "Umuwi ka na nga!" Taboy ko. Mahina itong tumawa saka naglakad palapit sa table ko. Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa payroll pad. Naiinis na ako dahil pangatlong araw na ngayon na down ang payroll system kaya manual ang ginagawa ko. Sumasakit na nga ang kamay ko kakasulat at lagi pang napupuno ng tinta. Umasa pa man rin ako kahapon dahil ang sabi nila ay aayusin nila, ngunit pagpasok ko kaninang umaga, wala. Down pa rin! Ni hindi ko alam kung ano ang nangyari! Hindi ko naman pwedeng hintayin na maayos ang system dahil ako lang rin ang matatambakan ng trabaho. Ang laki nitong company at ang daming employee, pero hind