"Good morning..." bulong ng isang tinig sa may tenga ko. Ngumiti lang ako saka tumango. Hindi ko na rin inabala ang sarili ko na magmulat ng mga mata para tingnan pa siya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya, at ang lalong pagdikit ng katawan niya sa likuran ko. Tinaniman rin niya ng mga mumunting halik ang pisngi ko, papunta sa may leeg ko. "Qino..." saway ko dahil nakikiliti ako. At bukod pa do'n, inaantok pa ako. Hindi ko alam kung anong oras na, pero wala pa akong balak na bumangon. Gusto kong sulitin ang sabado dito sa higaan dahil wala akong trabaho. Mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin at mas lalo rin niyang idinikit ang sarili sa likuran ko. At dahil nakadikit rin ang lower part niya sa may lower part ng katawan ko, naramdaman ko rin siya sa may pang-upo ko. His