Abala ako sa kusina para ihanda ang almusal ni Qino. Kahit masama ang pakiramdam ko paggising ko ay hindi ko iyon inalintana. Maaga pa rin akong bumangon para sa asawa ko. Kahit sa ganitong paraan man lang, maibsan ko 'yong sakit na naidulot ko sa kanya. Wala rin naman akong planong pumasok sa trabaho. Ayokong makita si Avery. Hindi ko rin kayang harapin ang mga kasamahan ko. Siguro ay may naisip na sila tungkol sa akin at kay Avery noong gabing iyon dahil hindi na ako nakabalik sa table. Pareho kaming nawala ni Avery doon kahit na hindi ko naman ginustong sumama sa kanya. Nang matapos kong lutuin ang mga pagkain ay inihanda ko na sa mesa. Tinungo ko ang daan papunta sa kwarto pagkatapos para silipin si Qino kung gising na ba siya. Nakakalungkot lang na pagkatapos naming mag-usap sa sal